24-players sa Philippine SEA Gamesbasketball pool
JBulanday (Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magkahalong PBA players at collegiate standouts ang babandera sa Philippine national basketball team para sa nalalapit na 2019 Southeast Asian Games dito sa bansa.

Ito ay ayon sa inisyal na 24-man pool na ipinadala ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa Phi-lippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) dalawang buwan pa bago ang biennial conclave na nakatakda mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11

Ayon sa listahan ay babandera sa koponan sina PBA players Christian Standhardinger at Stanley Pringle kasama ang mga collegiate stalwarts na sina Isaac Go at Thirdy Ravena.

“Its’ really a way for us to develop players. If you’d see the mix of the players in the list, there are amateurs and there are PBA players,” ani Panlilio sa ginanap na press conference ng SBP kahapon kasama si SBP Chairman Emeritus Manny V. Pangi-linan sa NAIA Terminal 3.

Kagagaling lang ni Pangilinan, dala ang FIBA flag, sa closing ceremony ng 2019 China FIBA World Cup na nakasabay ang turnover ng hosting rights sa Pilipinas bilang tahanan ng 2023 FIBA World Cup.

Bagama’t may inisyal na listahan na, maaari pa rin itong magbago ayon kay SBP Assistant to the President Al Panlilio lalo na kapag nagkaroon na ng bagong head coach ang Gilas Pilipinas na siya pa ring pipili ng pinal na manlalaro.

“We’ll tweak it so I cannot divulge (the complete list) yet. It depends on the new coach. That’s the next move because the coach will also assess the pool. It will be sooner than later,” ani Gregorio na dumalo rin sa naturang press con kasama si SBP Executive Director Sonny Barrios at SBP Vice Chairman Ricky Vargas na Chairman din ng PBA Board of Governors.

Mayroon hanggang Setyembre 30 ang SBP upang magpasa ng pinal na listahan ng mga manlalaro nito at head coaches para sa SEAG title retention bid.

Kung sakali, hindi ito ang unang pagkaka-taon ng magpapadala ng mixed PBA at collegiate players ang Gilas dahil ginawa na rin nila ito noong 2017 sa Kuala Lumpur.

Noon ay pumarada sa Phl Team sina Kiefer Ra-vena, Bobby Ray Parks Jr. at Kobe Paras kasama ang mga PBA players na sina Christian Standhardinger, Kevin Ferrer, Carl Bryan Cruz at Baser Amer upang giyahan ang National team sa championship sweep na tinuldukan ng 94-55 panalo kontra sa Indonesia sa Finals.

SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with