TNT, Blackwater, SMB sasalang na sa Macau
JBulanday (Pang-masa) - September 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bubuksan ng PBA teams na Blackwater, San Miguel and Talk ‘N Text ang kani-kanilang kampan-ya kontra sa magkakaibang kalaban sa pag-arangkada ng 2019 East Asia League Terrific 12 ngayon sa Tap Seac Stadium sa Macau.

Unang sasalang ang Blackwater, sa pangunguna nina Alex Stepheson at Marqus Blakely, kontra sa Korean club na Seoul SK Knights sa Group A simula alas-3 ng hapon.

Sa alas-7 ng gabi, babandera sina Lester Prosper at Dez Wells para sa Beermen na haharap sa Shenzhen Aviatos ng China sa Group B habang magpapangbuno ang KaTropa at reigning CBA champ na Liaoning Flying Leopards sa alas-9 ng gabi sa Group D.

Naatasang sumuporta kina Stepheson at Blakely na pinalitan si injured import Aaron Fuller ang pambatong rookie na si Ray Parks Jr. na magbabalik sa international stage matapos banderahan ang Alab Pilipinas dati sa ABL.

Nakatakda namang umalalay sa Beermen ang solid nitong championship core sa pangunguna nina Terrence Romeo, Chris Ross, Alex Cabagnot, Arwind Santos at Christian Standhardinger.

Posibleng hindi pa makakalaro para sa SMB ang iba nitong pambato na sina June Mar Fajardo (ankle) at Marcio Lassiter (MCL sprain) bunsod ng mga naturang injuries.

Ang TNT naman sa kabilang banda ay tatrangkuhan nina Jayson Castro, RR Pogoy at Troy Rosario kasama ang dalawang reinforcements na sina KJ McDaniels at McKenzie Moore kontra sa bigating koponan ng Liaoning.

Bibida sa Flying Leopards ang reigning Best Point Guard sa Asia na si Guo Ailun kasama ang batikang NBA player na si Lance Stephenson.

Tanging ang No.1 team lang sa kada-grupo ang aaabante sa knockout Final Four ng prestihiyosong invitational tourney sa pagitan ng pinakamamagaga-ling na ball clubs sa Asya na lalarga hanggang Set-yembre 22.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with