TNT, Blackwater, SMB pa-Macau ngayon
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - September 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lilipad na ngayon ang tatlong Phi-lippine Basketball Association (PBA) squads pa-Macau para sa misyong maiwagayway ng matayog ang Pilipinas sa 2019 FIBA East Asia League Terrific 12 na nakatakda ngayong Setyembre 17-22.

Ito ay ang Talk ‘N Text, Blackwater at San Miguel na siyang napili upang mag-representa sa PBA sa prestihiyosong invitational tournament kontra sa siyam pang ‘best clubs teams’ sa Asya.

Todo na ang naging paghahanda ng tatlong koponan sa mga nakalipas na linggo kasama ang tigalawang imports nila na papayagan ayon sa format ng Terrific 12.

Tatrangko ang mga reinforcements na sina KJ McDaniels at McKenzie Moore ng KaTropa, Alex Stepheson at Marques Blakely ng Elite gayundin sina Lester Prosper at Dez Wells ng Beermen.

Paghahanda na rin ito ng tatlong koponan para sa 2019 PBA Governors’ Cup dahil magsisilbing imports si McDaniels ng TNT, Wells ng SMB at Blakely ng Blackwater lalo’t injured ang original import nitong si Aaron Fuller.

Kasama ang mga iba’t ibang locals ng kada-koponan, hangad ang tatlong PBA teams na maging No.1 sa kani-kanilang grupo upang makapasok sa semifinals.

Ayon kasi sa format, tanging ang No.1 lang ng apat na grupo ang aabante sa Final Four para sa knockout match hanggang sa Finals.

Nahulog sa Group A ang Blackwater, sasabak naman sa Group B ang Beermen at nalaglag naman sa Group D ang KaTropa.

BLACKWATER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with