Yulo nagningning sa Japan championships
Chris Co (Pang-masa) - September 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling nagningning si Carlos Edriel Yulo nang makasungkit ito ng gintong medalya sa 2019 All-Japan Senior Gymnastics Championships na ginanap sa Tokyo, Japan.

Nakalikom ang 19-anyos na si Yulo ng 14.800 puntos upang masiguro ang unang puwesto sa floor exercise ng torneong nilahukan ng matitikas na gymnasts sa rehiyon.

Kasosyo ni Yulo sa unang puwesto si three-time Olympic champion at 10-time world champion Kohei Uchimura ng Japan na nagtala rin ng parehong 14.800 puntos.

Naghahanda si Yulo sa pagsabak nito sa 2019 Southeast Asian Games sa kauna-unahang pagkakataon kung saan inaasahang mawawalis nito ang lahat ng kanyang events na lalahukan.

Dahil sa kanyang impresibong ipinapamalas sa mga international competitions, malakas din ang tansa ni Yulo na magkuwalipika at manalo ng medalya sa 2020 Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan.

Noong nakaraang taon, gumawa ng kasaysa-yan si Yulo nang magwagi ito ng tansong medalya sa floor exercise sa prestihiyosong 48th Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Aspire Academy Dome sa Doha, Qatar.

Ito ang unang pagkakataon na nagwagi ang isang Pinoy sa world meet ng gymnastics.

YULO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with