^

PM Sports

Ateneo wagi sa FEU; Suerte bumida sa UE

PJ Carpio - Pang-masa
Ateneo wagi sa FEU; Suerte bumida sa UE
Sumalaksak si Harvey Pagsanjan ng UE laban kay Andrei Caracut at Brandon Bates ng La Salle.
PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Dumiretso ang nagde­depensang Ateneo De Ma­­nila University sa ka­nilang ikaapat na sunod na ratsada, habang nagtala naman si Rey Suerte ng career-high para sa unang panalo ng University of the East sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament.

Dinagit ng Blue Eagles ang Far Eastern University Tamaraws, 63-46, para patuloy na solohin ang liderato kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Humakot si big man Ange Kouame ng 14 points, 12 rebounds at 3 blocks at nagdagdag si Adrian Wong ng 13 mar­kers tampok ang tatlong three-point shots para sa Ateneo.

Kumolekta naman si star guard Thirdy Ravena ng 12 points, 10 rebounds at 2 blocks para sa Blue Eagles na kaagad iniwa­nan ang Tamaraws sa 11-0 patungo sa 18-3 ka­la­­mangan sa pagtiklop ng first period.

Matapos kunin ng Ate­neo ang 19-point lead, 42-23, sa 4:48 minuto ng third quarter ay nakalapit naman ang FEU sa 41-51.

“From the looks of it, we have to be a good de­fensive team since we can’t knock the ball down even in an ocean,” sabi ni Blue Eagles’ head coach Tab Baldwin.

Pinamunuan naman ni Barkley Ebona ang Ta­maraws, nalasap ang ika­lawang kabiguan sa tat­long laro, mula sa kanyang 8 points at 8 boards.

Sa unang laro, nagpa­sa­bog si Suerte ng game-high na 31 points para ban­­derahan ang 89-88 pag­lusot ng Red Warriors kontra sa La Salle Green Archers.

Nagsalpak ang dating CESAFI MVP ng 5-of-7 shooting sa 3-point line kasama ang game-winning triple sa huling 3.2 segundo para sa unang pa­nalo ni UE head coach Bong Tan.

Nagdagdag din si Suerte ng 7 rebounds at 3 assists para sa Red Warriors, tinapos ang tatlong sunod na kamalasan.

Ito ang ikalawang ka­biguan ng Green Archers sa tatlong laban.

Ang tres ni Suerte sa natitirang 15.4 segundo ng final canto ang nagbi­gay sa UE ng 86-85 abante kasunod ang triple ni Aljun Melecio para sa 88-86 bentahe ng La Salle sa 10.8 segundo.

Naikonekta naman ni Suerte ang kanyang game-winning triple.

vuukle comment

LA SALLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with