AIR Force, Army iisa ang layunin
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - September 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kapwa pakay ng Philippine Air Force at PacificTown-Army ang magandang pagtatapos sa kanilang kampanya sa first round ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference.

Magpapangbuno ang dalawang beteranong tropa sa main game ngayong araw sa alas-4 ng hapon sa The Arena sa San Juan City habang magtutuos naman ang Chef’s Classics at Creamline sa alas-2.

Parehong mataas ang kumpiyansa ng dalawang koponan matapos nilang manakaw ang back-to-back wins sa mga huli nilang laro noong Miyerkules.

Natakasan ng Lady Jet Spikers ang bagitong Choco Mucho, 26-24, 14-25, 21-25, 25-22, 15-7 habang winalis naman ng Lady Troopers ang BaliPure, 25-17, 25-16, 27-25.

Para sa PacificTown-Army, pipilitin nilang hatakin ang kanilang winning streak sa tatlo at umaasa si coach Kungfu Reyes na ito ang maging turning point ng kanyang koponan sa liga.

“This time andoon na sila, gumagalaw, ‘yun naman ‘yung hinihintay namin para at least sa next game namin sa Saturday makakakuha kami ng tatlong sunod na pana-lo. Longest streak namin ‘yun kung magkakataon,” sabi ni Reyes.

Babandera para sa Lady Troopers sina Jovelyn Gonzaga, Ging Balse-Pabayo, Honey Royse Tubino, Nene Bautista, Alina Bicar  at Angela Nunag.

Sa panig naman ng Philippine Air Force, pupuntiryahin nila na mas makaangat pa sa standings at umaasa si coach Jasper Jimenez na magtuluy-tuloy ang kumpiyansang tangan nila ngayon.

“Hopefully ito na ‘yung kumpiyansang hinahanap namin (sana) magtuluy-tuloy na,” pahayag ni Jimenez.

Sasandalan ng Lady Jet Spikers sina Wendy Semana, Dell Palomata, Angel Antipuesto, Jozza Cabalsa, May-Ann Pantino at Judy Caballejo.  

 

 

AIR FORCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with