Si Kurt Lojera ng La Salle laban kina John Galinato at Shaun Ildefonso ng NU.
PM photo ni Joey Mendoza
Ateneo lusot sa UST
PJ Carpio (Pang-masa) - September 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ipinakita ng back-to-back champion na Ateneo Blue Eagles na sila ang karapat-dapat sa liderato matapos nilang ungusan ang UST Growling Tigers, 71-70 sa pagpapatuloy ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum kahapon.

Isang go-ahead tip-in ang kinana ni Ange Kouame bago sinupalpal si Soulemane Chabi Yo  ng UST sa huling 24 segundo ng laro tungo sa panalo ng Ateneo matapos ang tatlong laban.

Nagtala naman si ace player Thirdy Ravena ng  double-double  na 17 puntos, 10 rebounds sahog pa ang dalawang assists at dalawang crucial freethrows sa huling 11 segundo ng fourth quarter para tulungan ang Blue Eagles na masolo ang liderato.

Matapos ang dalawang mabilis na fouls sa first half, umarangkada si Ravena sa second half kasama si Angelo Kouame upang ilaglag ang dating kasosyo sa liderato na Santo Tomas sa ikalawang puwesto.

Tumapos si Kouame na may 11 puntos, 10 rebounds, dalawang assists at tatlong tapal.

Tumulong naman si Gian Mamuyac makuha ang panalo sa pag-ambag nito ng 10 puntos, apat na rebounds at dalawang assists.

“We understood that game’s gonna be a really really tough game. I feel very very fortunate when won the game, that’s the kinda game you can cre-dit your team as much as you want, you can talk about character and toughness. Pulling it out in the crunch and all of that. We were very fortunate,” pahayag ni New Zealander coach Tab Baldwin.

Sa pamamagitan ng 15-0 run, nakuha ng Santo Tomas ang 37-33 kalamangan sa second quarter, kung saan nagbida si Chabi Yo na nagtala ng 15 puntos sa first half.

Nasayang naman ang 25 puntos, 13 rebounds, dalawang assists at dalawang blocks ni Chabi Yo na tanging nakapagbigay ng  double digit sa Growling Tigers.

Sa iba pang laro,  natakasan din ng DLSU Green Archers ang NU Bulldogs, 83-82 para makuha ang kanilang unang panalo sa season na ito.

Umiskor ng game-winning basket si Kurt Lojera at nagpakita ng all-around performance si Justine Baltazar para makisosyo sa four-way tie sa ikatlong puwesto sa 1-1 record kasama ang UP Maroons, FEU at Adamson na kalaban ang University of the East as of press time.

 

 

ATENEO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with