Si Angel Antipuesto ng Air Force laban kay Madeliene Madayag ng Choco Mucho.
PM photo ni Ernie Peñaredondo
Lady Troopers ginulat ang water defenders
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - September 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nanakaw ng PacificTown-Army ang kanilang back-to-back win nang walisin nito ang BaliPure 25-17, 25-16, 27-25, sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nanguna para sa Lady Troopers si Honey Royse Tubino na tumapos ng 13 puntos, sa likod ng 12 attacks at isang ace,  katuwang si Lut Malaluan na may 10 marka sa kanyang pangalan.

Mas lumakas pa ang kapit ng PacificTown-Army sa ikalimang puwesto sa standings hawak ang 3-4 slate.

“Pipilitin naming makatatlo na panalo by Saturday. Kailangan namin makabuwelo ulit, kasi ‘yung pagod hanggang ngayon nararamdaman pa at least ‘yung turning point namin sa Chef’s (Classics) nasundan ulit ngayon, so tapusin naman in high note,” ani PacificTown-Army coach Kungfu Reyes.

Tamang tiyempo ang naging puhunan ng Lady Troopers sa unang dalawang set at nagawa nitong lamunin ang Water Defenders lalo na sa second set kung saan pinoste nito ang 21-8 na bentahe.

Hindi naman bumi-taw ang BaliPure sa third set at nagawa pang takutin ang PacificTown-Army nang ipuwersa nito ang 24-all sa dulo bago umariba ang kapitana na si Ging Balse-Pabayo at tapusin ang laro sa kanyang quick attack.

Sa unang laro naman, nadagit ng Philippine Air Force ang ikalawang sunod nitong panalo nang alpasan ang mas batang Choco Mucho, 26-24, 14-25, 21-25, 25-22, 15-7.

Kasalukuyan naman naglalaban ang BanKo Perlas Spikers (5-2) at Motolite (4-2) habang sinusulat ang istoryang ito.

LADY TROOPERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with