Pasay patuloy ang pananalasa
(Pang-masa) - September 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patuloy sa pananalasa ang Pasay Voyagers sa kasalukuyang MPBL Lakan Season nang kanilang padapain ang Parañaque Patriots, 79-60 sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Cuneta Astrodome.

Muling nagpasiklab si Dhon Reverente sa paghahatid ng isa na namang double-double performance para sa Voyagers na nagtala ng kanilang ikaanim na sunod na panalo para sumulong sa 9-5 win-loss record.

Tumapos si Reverente, nakuha ng team noong off season, ng 15 points at 14 rebounds sa pagdomina ng Voyagers sa Patriots.

Ang panalo ng Voyagers ang nagpahigpit ng kanilang kapit sa ikaanim na puwesto sa mabigat na northern division ng tournament na itinayo ni Senator Manny Pacquiao katulong si PBA legend at former MVP Kenneth Duremdes na siyang commissioner ng liga.

Si Elmar Moradas ang top scorer ng koponan sa kanyang 17 markers katulong sina Jaypee Belencion na may 15, Axel Inigo na may 12 at Raymond Ilagan na may 10 para sa Pasay na may 12-of-24 shooting (50-percent) sa triple area.

Nauna rito, nagsipagpanalo rin ang Bulacan at Makati para palakasin ang kanilang tsansa sa se-cond phase ng elimination round ng lumalaking regional amateur basketball league.

Dumaan sa dalawang overtime period ang Kuyas para talunin ang Navotas Clutch, 106-105.

Ito ang kanilang ikatlong sunod na panalo para umangat sa 8-5 kartada.

Bumawi naman ang Makati sa mahinang simula para igupo ang Marikina, 85-70.

 

 

 

PASAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with