^

Philippine boxers asam ang ticket sa 2020 Japan Olympics

Chris Co (Pang-masa) - September 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sisimulan na ng Pinoy boxers ang tangkang makahirit ng tiket sa 2020 Olympic Games sa Tok-yo, Japan sa pagsabak ng tropa sa prestihiyosong 2019 AIBA World Boxing Championships na gaganapin sa Yekaterinburg, Russia.

Masuwerteng umabante agad sa second round si Carlo Paalam na nabiyayaan ng bye asa opening-round.

Babanat si Paalam sa susunod na round laban kay Istavan Szaka ng Hungary sa Sabado sa men’s flyweight class (52 kgs.).

Aarangkada rin sina Southeast Asian Games champions Eumir Felix Marcial at John Marvin gayundin sina Ian Clark Bautista at James Palicte sa kani-kanyang kategorya.

Nakatakdang harapin ni Marcial si Bryan Angulo ng Ecuador sa first round ng men’s middleweight (75 kgs.) kagabi habang aariba naman si Marvin kontra kay Pavilius Julevas ng Lithuania sa kanyang opening game sa men’s light heavyweight (81 kgs.) nga-yong araw (Martes).

Makakatipan naman ni Bautista si Viliam Tanko ng Slovakia sa first round ng men’s featherweight (57 kgs.) sa Miyerkules sa torneong nilahukan ng mahigit 300 boxers mula sa 70 bansang miyembro ng International Boxing Association (AIBA).

Sisimulan ni Palicte ang kampanya nito kontra kay Jose Manuel Wafara ng Colombia sa men’s light welterweight (63 kgs.) sa Huwebes.

Target ng five-man national boxing team na malapasan ang isang tansong medalyang nakamit nito noong 2015 sa torneong qualifying event ng 2020 Olympics.

BOXING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with