BRT, Marinero sure na sa No. 1
JBulanday (Pang-masa) - September 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Selyado na ang top seeding ng parehong grupo papasok sa playoffs matapos ang kumbinsidong panalo ng Marinerong Pilipino at BRT Sumisip Basilan-St. Clare sa pagtatapos ng 2019 PBA D-League Foundation Cup elimination round kahapon sa Paco Arena sa Maynila.

Pinaamo ng Skippers ang Scorpions, 88-74 habang tinambakan naman ng Saints ang Italiano’s Homme, 138-101.

Bunsod nito, nawalis ng Marinero at St. Clare ang Group A at Group B ayon sa pagkakasunod hawak ang parehong 6-0 kartada papunta sa quarterfinals na magbubukas na ngayong Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Trumangko sa atake ng Skippers si William Mc-Aloney na may 21 puntos at pitong rebounds habang nag-ambag ng 14, 13 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod, sina Mark Yee, Dan Sara at Eloy Poligrates.

May kumpletong 10 puntos, pitong rebounds, anim na steals at dalawang tapal din si Jhonard Clarito para sa Marinero na makakaharap ang no.4 na AMA sa quarterfinals hawak ang twice-to-beat advantage.

“Masarap sa pakiramdam dahil ‘yung last game ng eliminations, nakuha namin,” ani head coach Yong Garcia.

Sa isa namang laro, si Malian center Mohammad Pare ang bumida para sa Saints sa kanyang double-double na 16 puntos at 14 rebounds.

Umalalay sa kanya sina Darwin Lunor at Jessie Collado na may 16 at 14 markers, ayon sa pagkakasunod habang may 13 puntos, 10 rebounds at 9 na assists is Joshua Fontanilla para sa St. Clare na hindi pa alam ang katapat sa Group B quarters.

“Syempre pagdating sa quarterfinals, semi-finals, ibang istorya na yan. So we will start from scratch again,” sabi naman ni St. Clare mentor Stevenson Tiu.

Samantala, bagamat bigo kontra Marinero at nahulog sa no. 2 sa Group A hawak ang 5-1 baraha, hahawak pa rin ng twice-to-beat ang CEU kontra sa no. 3 na Asia’s Lashes sa quarterfinals sa Huwebes.

Malamyang 1-5 naman ang naging kampanya ng bagitong Italiano’s Homme at sibak sa kontesnyon ng 14-team D-League Foundation Cup.

PBA D-LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with