Air Force nakatikim ng panalo
Umatake si Dell Palomata ng Philippine Air Force laban sa mga blockers ng Chef’s Classic.
PM photo ni Miguel De Guzman
Air Force nakatikim ng panalo
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - September 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natuldukan na ng Philippine Air Force ang kanilang five-game losing slump nang lampasuhin nito ang nagkukumahog na Chef’s Classics, 26-24, 25-15, 25-15, kahapon sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan City.

Umangat ang Lady Jet Spikers, hawak ang 1-5 win-loss slate at nasa ikawalong puwesto ng standings sa ilalim ng Choco Mucho (2-4) at BaliPure (2-5).

Pumalo ng 16 points-- 12 attacks, tatlong blocks at isang ace, si veteran middle blocker Dell Palomata habang tumipa naman sina Judy Caballejo at Joy Cases ng 12 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

“Ang sikreto lang po ng pagkapanalo namin ngayon ay nagtulung-tulungan lang po kami. Laging buong puso po ‘yung game namin as a team po,” sabi ni Palomata.

Parehong gutom sa unang panalo ang dalawang tropa kaya first set palang ay girian na ang mga ito pero lumabas ang pagkabeterano ng Air Force at inalpasan ang mas batang Lady Red Spikers.

Matapos makuha ang tiyempo ay hindi na pinagbigyan ng Lady Jet Spikers na makabalik pa ang Chef’s Classics at pinulbos na nila ito para sa kanilang unang panalo sa liga.

Nagtutuos naman as of press time ang Motolite (4-1) at PetroGazz Angels (4-2).

Sa Collegiate Conference naman, nilapa ng UST Golden Tigresses ang FEU Lady Tamaraws, 25-14, 25-17, 10-25, 23-25, 15-12 para manakaw ang solong liderato sa Pool B hawak ang 4-0 na win-loss record at masiguro ang unang semis berth.

Bida sa mga taga-Espanya si Eya Laure na pumalo ng 18 points sa likod ng 14 attacks, tatlong aces at isang block habang tumipa ng 14 markers si Imee Hernandez.

Sa iba pang laro, dinagit ng Lyceum Lady Pirates ang una nitong panalo nang talunin nito ang TIP Lady Engineers, 25-6, 25-15, 25-14 at pinaluhod naman ng Adamson Lady Falcons ang Ateneo Lady Eagles, 14-25, 25-21, 25-15, 25-21.

 

 

AIR FORCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with