^

PM Sports

Team USA sasagupa sa Greece

Pang-masa

SHANGHAI, China, Philippines — Kagaya ng dapat asahan, dinurog ng Team USA ang Japan, 98-45, sa pagtatapos ng group phase sa 2019 FIBA World Cup.

Nakatakdang magtungo ngayon ang mga Americans sa Shenzhen para sa second round katapat ang Greece ni NBA Most Valuable Player Giannis Antetokounmpo.

“He’s going to come out to kill us, there’s no question,” sabi ni Team USA center Brook Lopez, ang teammate ni Antetokounmpo sa Milwaukee Bucks.

Humataw si Jaylen Brown ng 20 points para banderahan ang mga Americans laban sa mga Japanese kasunod ang 15 at 14 markers nina guard Kemba Walker at forward Harrison Barnes, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, kasalukuyan pang nilalabanan ng Gilas Pilipinas ang Tunisia kagabi habang isinusulat ito.

GREECE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with