Saints at Scorpions nagbulsa ng bonus
JBulanday (Pang-masa) - September 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinulsa ang BRT Su­misip Basilan-St. Clare at Centro Escolar Uni­ver­sity ang playoff in­centive matapos tamba­kan ang ka­nilang mga karibal sa 2019 PBA Developmental League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig C­i­ty.

Pambihirang 161-122 blowout win ang iniskor ng Saints kontra sa Black Mamba at binugbog naman ng Scorpions ang Haz­chem, 126-76.

Nagtala ng double-double na 31 points at 19 rebounds ang Malian slotman na si Mohammed Pare at nagsalpak ng anim na three-point shots patungo sa 25 markers si Joseph Peñaredondo para sa St. Clare na nagtala ng tatlong bagong D-League scoring records.

Dahil sa mainit na 161-point scoring ay bi­nura ng Saints ang 144 mar­kers ng Hyperwash na naitala noong nakaraang buwan para sa pina­ka­bagong highest score sa D-League history.

Ang 95 puntos sa se­cond half ng St. Clare ang bagong record sa lar­gest half score matapos lag­pa­san ang 83 markers ng Tanduay na nailista sa 141-65 tagumpay kontra sa Zarks noong 2017.

Sa parehong taon ay nagtala rin ng 53 points sa fourth quarter ang Tanduay sa kanilang 113-71 panalo kontra sa Gamboa Coffee na tinablahan ngayon ng Saints na lubu­sang ikinatuwa ni head coach Stevenson Tiu.

“Kita ninyo naman, nag-e-enjoy ‘yung mga bata sa huli,” wika ni Tiu. ‘’Of course, kahit sinong coach, masaya with that advantage sa playoffs.”

Solo ngayon sa tuktok ng Group B ang Saints hawak ang malinis na 5-0 baraha at sigurado na sa ‘twice-to-beat’ bonus sa playoffs.

Ang Scorpions sa ka­­bilang banda ay uma­ngat din sa 5-0 sa Group A upang makasikwat ng playoff incentive.

PBA DEVELOPMENTAL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with