Andray Blatche
Gilas dehado sa italy sa world cup
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - August 31, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa hinaba-haba man ng prusisyon ay sa 2019 FIBA World Cup sa Foshan, China din ang tuloy.

Matapos ang ilang bu­wan na paghahanda ay makikilatis ang Gilas Pi­li­pinas sa pagsisimula ng kanilangg misyon sa world basketball cham­pionships kontra sa mga pi­nakamagagaling na koponan sa mundo.

Unang haharang sa daan ng No. 30 Pilipinas ang No. 13 Italy nga­yong 7:30 ng gabi (Manila time) sa Foshan Interna­tio­nal Sports and Cultural Center sa China.

Magpapahinga ang Gi­las Pilipinas ng isang araw bago sumabak ulit sa aksyon kontra sa No. 4 Serbia sa Lunes at sa Miyerkules kontra sa No. 39 Angola para sa pagtatapos ng group stage.

Hangad ng Nationals na makapasok sa susunod na round bagay na hin­di ni­la nagawa nang ma­lag­­lag agad sa group phase noong 2014 World Cup sa Spain matapos ang panalo kontra sa Se­negal at mga kabiguan laban sa Argentina, Croatia, Greece at Puerto Rico para sa 1-4 kartada.

Upang magawa ang mis­yon ay kakailanganin ng Gilas Pilipinas ng da­­lawang panalo para ma­kasabit sa Round-of-16 ng 32-team tournament.

Mamumuno sa natu­rang tangka ng Gilas ang naturalized player na si Andray Blatche gayundin ang iba pang Gilas ve­te­rans na sina June Mar Fa­jardo, Gabe Norwood, Ja­peth Aguilar at Paul Lee na naglaro noong 20­14 FIBA World Cup.

Kasama nila sina RR Pogoy, Troy Rosario, Mark Barroca, Raymond Al­mazan at mga bagitong sina Kiefer Ravena, Ro­bert Bolick at CJ Perez.

Inaasahan naman ni head coach Yeng Guiao ang solidong suporta ng mga Pilipino sa China ga­yundin sa dasal ng mga kababayan sa Pilipi­nas pa­ra misakatuparan ng tro­­­pa ang kanilang mis­yon sa FI­BA World Cup.

“We’ll rely on a lot of Filipino basketball fans in China and we will also re­ly on the prayers of our countrymen,” ani Guiao.

Sa kampo naman ng Italy ay babandera ang ang NBA veterans na si­na Danilo Gallinari ng Oklahoma City Thunder at Marco Bellineli ng San Antonio Spurs.

Inaasahang itatapat ni Guiao si Blatche kay Gallinari.

Lalarga ang 2019 FI­­BA World Cup mula Agosto 31 hanggang Set­yembre 15.

 

ANDRAY BLATCHE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with