^

PM Sports

Motolite kinaldag ang Balipure

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Motolite kinaldag ang Balipure
Hinatawan ni Myla Pablo ng Motolite si May Guillena ng BaliPure.
PM phoot ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Naiposte ng Motolite ang kanilang ikalawang sunod nitong panalo ng lunurin nito ang BaliPure Purest Water Defenders 25-9, 25-20, 25-19 sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference kahapon sa The Arena sa  San Juan City.

Nanguna sa tropa si Myla Pablo na rumehistro ng 12 puntos mula sa 10 attacks habang may siyam na puntos na ambag si Isa Molde.

Umariba rin ang playmaker at kapitana na si Iris Tol Tolenada na tumapos ng apat na puntos at 17 excellent sets at sina Aie Gannaban at Tots Carlos na may pito at anim na marka.

Dinominahan nang husto ng Motolite ang laro lalo na sa first set kung saan umabot sa 23-7 ang hawak nilang kalamangan at nagtuluy-tuloy ang momentum nito at hindi pinaporma ang BaliPure para ipalasap ang ikatlong kabiguan nito sa apat na laro.

Pumalo naman ng 11 puntos si Grace Bombita para sa Purest Water Defenders na lumubog sa 1-3 na baraha sa torneo.

Naglalaro naman as of press time ang number 4 na BanKo Perlas Spikers at ang kulelat na Chef’s Classics Lady Red Spikers.

Samantala sa Collegiate Conference naman, nasungkit na San Beda University Lady Red Spikers ang una nitong panalo sa torneo sa bisa ng five-set match 21-25, 21-25, 25-23, 25-8, 15-11 kontra sa Letran Lady Knights

Umariba sa tropa si Cesca Racraquin na pumalo ng 27 puntos sa likod ng 21 attacks at limang aces, habang sumahog naman 16 marka si Kimberly Manzano.

Angat na sa 1-1 na baraha ang San Beda sa Pool A ng torneo habang dulas naman sa 0-2 na win-loss record ang Letran sa parehong pool.

Dinagit din ng University of Santo Tomas Golden Tigresses ang ikalawang sunod nitong panalo laban sa College of Saint Benilde Lady Blazers, 21-25, 25-22, 25-19, 24-26, 15-12 habang pinoste naman ng Far Eastern University Lady Tamaraws ang u­nang panalo ng walisin nito ang Technological Institute of the Philippines Lady Engineers, 25-13, 25-22, 25-16.

 

vuukle comment

MOTOLITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with