^

PM Sports

Marinerong Pil. maniniguro

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng playoff-bound na Marinerong Pilipino na makadaong na sa siguradong Top Two finish sa Group B sa pakikipagtuos nito kontra sa bagitong iWalk sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Developmetanl League Foundation Cup sa The Arena sa San Juan City.

Magaganap ang sagupaan sa alas-3:30 ng hapon kung saan tangka ang solo liderato ng Skippers sa Group A kontra sa Chargers na siyang magbibigay sa kanila ng siguradong twice-to-beat advantage sa playoffs.

Upang magawa ito ay sasandal ang Marinero sa mga ex-pros na sina Mark Yee at Eloy Poligrates gayundin sa mga amateur standouts na sina Jhonard Clarito, Dan Sara at JR Alabanza na siyang nanguna sa kanilang 73-51 tagumpay kontra sa isa pang D-League neophyte na Asia’s Lashes.

Bagama’t nasa 4-0 ang baraha nila ngayon, inaasahan naman ni head coach Yong Garcia ang mahirap na laban kontra sa Chargers na kahit bagito ay puno naman ng beterano.

“Ang sabi ko nga, mate-test ang team namin. Sa next round, talagang malalakas na ‘yung team namin kaya magandang chance ito sa amin na makaharap ang mga beteranong team,” ani Garcia sa iWalk (2-2) na ginagabayan ni dating PBA player Jonas Villanueva.

Kahit galing sa 84-120 kabiguan kontra sa isa pang unbeaten Group B team na CEU, hindi papatalo nang basta-basta ang iWalk na babaderahan din nina Jerrick Canada at JP Belencion.

Sa isa pang laro, pagsampa na rin sa playoffs ng Group B ang pa-kay ng wala pang talong BRT Sumisip Basilan-St. Clare (3-0) kontra sa kulelat na McDavid-La Salle Araneta (0-3) sa alas-1:30 ng hapong laban.Sa huling laban naman sa 5:30 ng hapon ay magpupuwestuhan sa Group A ang iba pang D-League first-timers na Asia’s Lashes Tomas Morato (2-2) at Hazchem (1-2).

vuukle comment

MARINERONG PIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with