Babawi ang Cignal
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - August 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malaking kumpiyansa ang dadalhin ng Cignal HD Spikers sa muli nilang pagsalang sa Game 2 ng Finals ng 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayong Martes.

Bigo man ang HD Spikers ni coach Edgar Barroga na manakaw ang Game 1 ng Finals nitong Sabado sa Smart Araneta Coliseum nang padapain sila ng F2 Logistics Cargo Movers, 22-25, 24-26, 25-18, 25-17, 8-15 ngunit may nakita silang liwanag sa kabiguang ito.

“Actually medyo confident na kami kasi naranasan na namin at nakita namin na kaya pala namin sila sa first and second round, ‘di kami naka-set diyan siguro nagawa ng mature na players ngayon,” ani Barroga. “Mas eager kami sa plano namin medyo may konting pahinga bukas (nga-yon) pahinga para makapag prepare.”

Sasalang sa Game 2 ng Finals ang Cignal na mas buo ang loob at mas kumpiyansa na kaya nilang muling gulatin at sabayan ang Cargo Mo-vers at makapuwersa pa ng isang laro.

Para kay team captain Rachel Ann Daquis, isang magandang motibasyon para sa tropa ang naipu-wersa nila ang five-set na laro sa Cargo Movers kahit na isang araw lamang sila nakapagsanay.

Matatandaan na sa two round eliminations ay hindi nagawang manalo ng kahit na isang set ang Cignal at dalawang beses silang winalis nito.

“It was a close fight and good fight. One day preparation para samin it’s not enough pero na push namin ng ito ng five sets, ‘di kami nanalo pero the lessons na natutunan namin today madadala namin sa game,” ani Daquis. “Good motivation sa amin na naka-five sets kami sa kanila ang bilis ng transition from Petron to F2 Logistics, isang click sila agad. Proud kami sa team namin kahit one day preparation lang ganito ang naging outcome.”

Maghaharap sa Game 2 ng Finals ang dalawang tropa bukas sa Mall of Asia Arena at susubukan ng Cignal na maipuwersa ang Game 3.

CIGNAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with