‘Di pa kuntento si Eya Laure
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - August 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa si Eya Laure sa maituturing na magaga-ling na collegiate player sa bansa pero sa pagsalang niya sa All-Filipino Conference ng Philippine Superliga, inamin niya na marami pa siyang kaila-ngang matutuhan.

Sumabak ang 20-anyos open hitter mula sa University of Santo Tomas sa una niyang professional league sa ilalim ng Foton Tornadoes at sa una niyang semifinals at battle for bronze, sinabi niya na marami pa siyang dapat matutuhan.

“Ibang-iba ‘yung environment kung paano maglaro” ani Laure. “’Yung level nga iba parang kumbaga kung ako na naglalaro sa college masasabi kong marami pa akong bigas na kailangang kainin.”

Ito rin ang unang pagkakataon na nakaharap ni Laure si Sisi Rondina bilang kalaban, matatandaan na silang dalawa ang nanguna sa UST para lumusot sa Finals ng UAAP season 81.

Kakaiba aniya ang pakiramdam niya na makita si Rondina sa kabilang side ng court, dahil sanay siyang kakampi ito at tuwing nakikita niya ito ay parang hindi ito ang Rondina.

“Ang weird ng feeling ko kasi si ate Sisi [Rondina] nasa kabilang court tinitignan ko siya parang hindi siya ‘yung type na nakikita ko na sanay ako. Sanay kasi ako na magkateammate kami,” wika niya. “Nung kalaban ko siya, may mga bola na ‘sabi ko na nga ba doon pupunta ‘yun e.’ Mga ganung feeling na ‘ano ba ‘yan ‘di ko na naman nakuha.’”

Hindi pa rin sigurado kung makakapaglaro sa Invitational Conference si Laure dahil mas nakatuon aniya ang kanyang pansin at paglalaro sa UST.

“Iyon pa ‘yung ‘di ko sure. Malalaman ko rin ‘yan, kasi meron pa rin akong ust, second year pa lang ako so malalaman kung ano mangyayari sa invitational pero mas priority ko kasi ‘yung UST after nito,” panapos nito.    

EYA LAURE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with