Hindi nagpaawat si Malick Diouf ng CEU laban sa depensa ng iWalk.
PBA Images
Playoffs na rin ang CEU
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - August 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinipit ng CEU ang iWalk, 120-84 upang maka­sik­wat na rin ng playoff ticket sa Group B ng umaati­kabong 2019 PBA D-League Foundation Cup sa JCSGO Gym sa Cubao.

Kumpletong 29 puntos, 21 rebounds, walong assists, dalawang steals at limang supalpal ang hinakot ni Senegalese big man Maodo Malick Diouf upang giyahan ang dominanteng panalo ng Scorpions.

Sumuporta naman sa kanya si top local gun Rich Guinitaran na may 21 puntos sa tatlong tres habang may 17 at 12 markers naman sina Kurt Sunga at Eric Tuadles, ayon sa pagkakasunod.

Bunsod nito ay napalawig ng CEU ang malinis nitong kartada sa 4-0 upang samahan ang Marinerong Pilipino (4-0) sa playoffs ng Group A.

Nagawa ito ng Scorpions kahit wala pa si head coach Derrick Pumaren na may emergency matter na kailangang asikasuhin.

Bagama’t wala ang head coach, hindi naman ito ininda ng CEU na walang naging problema sa pagposte ng maagang 65-36 kalamangan sa halftime.

Hindi na lumingon pa ang last conference runner-up na Scorpions buhat noon nang lumamang pa ito ng hanggang 39 puntos tungo sa isa na namang blowout win.

Sa kabilang banda, bigo ang iWalk na maipagpa-tu­loy ang two-game winning streak nito sa kabila ng 19 puntos at 12 rebounds ni Bernie Bregondo.

Nag-ambag din ng 14 markers si Wowie Escosio, habang may tig-11 puntos sina Janus Lozada at Achie Inigo para sa Chargers na nahulog sa 2-2 baraha sa Group A rin.

Sa isa pang laro, dinaig naman ng Black Mamba ang Italiano’s Homme, 80-75, upang palakasin ang tsansa nitong makapasok sa playoffs sa Group B hawak ngayon ang 2-1 kartada.

Bumida sa dikit na tagumpay ng Black Mamba si John Tayongtong na may 21 markers, five rebounds, five assists at four steals.

2019 PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with