Cignal kontra sa F2 sa Finals
(Pang-masa) - August 23, 2019 - 12:00am

LARO BUKAS(Smart Araneta Coliseum)

4 p.m. Petron vs Foton (for 3rd place)

6 p.m. Cignal vs F2 Logistics (Finals, Game 1)

MANILA, Philippines — Tinalo ng Cignal ang Petron, 30-28, 25-21, 17-25, 23-25, 15-8, para ku­nin ang ikalawang finals ticket sa kanilang sudden-death semifinal duel sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ka­gabi sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Lalabanan ng Cignal ang F2 Logistics, nauna nang nakalusot sa Finals matapos patalsikin ang Fo­­­ton, 25-19, 25-23, 17-25, 25-19, sa best-of-three title series.

 Ito ang unang All-Fi­lipino Finals stint ng HD Spikers mula noong 2013 at second finals appea­rance kasabay ng pagpitas sa Invitational con­fe­rence noong 2017.

Bumandera sina Jove­lyn Gonzaga at setter Alohi Ro­bins-Hardy para sa Cignal.

Asam naman ng Car­go Mo­vers na ma­bawi ang ko­­rona ng All-Filipi­no.

Puspusan ang paghahanda ni F2 Logistics head coach Ra­mil de Jesus pa­ra sa game plan sa best-of-three title series.

Huling naisuot ng Cargo Movers ang All-Fi­l­i­pino title noong 20­16 ma­tapos talunin ang Fo­ton sa Finals.

Subalit nawala sa ka­nila ang korona noong 2017 at 2018 nang matalo sa Petron sa parehong finals series.

“Petron has the championship experience and it will never lose the confidence it gained from past championships. Cignal, meanwhile, has been showing vast improvement. They are tall and have a good team che­mistry,” ani de Jesus.

Ngunit handa ang mga ba­taan ni de Jesus na ga­win ang lahat lalo pa’t nadagdagan ang puwersa nito sa ngalan ni Filipino-American Kalei Mau.

Nariyan pa si 2016 All-Filipino Conference MVP Ara Galang kasama sina veterans Aby Ma­­raño, Kim Kianna Dy at Majoy Baron.

PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with