^

PM Sports

Cousins ‘di na makakalaro sa paparating na NBA season

Pang-masa
Cousins �di na makakalaro sa paparating na NBA season
DeMarcus Cousins

LOS ANGELES - Tiyak nang hindi makakalaro si big man DeMarcus Cousins sa 2019-20 season dahil sa torn ACL na nag-iwan ng butas sa frontline ng Lakers na pinamumunuan nina Anthony Davis at LeBron James.

Kaya naman nakatutok ang Los Angeles sa pagtapik sa ilang veteran centers kagaya nina Dwight Howard, Joakim Noah at Marreese Speights.

Si Howard, may kontrata pa sa Memphis Grizzlies ay pinayagan nang makipag-usap sa Lakers.

Iniulat ng ESPN na magdaraos ang Lakers ng individual workouts at interviews sa nasabing mga player at maaari ring ikunsidera ang 35-anyos na si Marcin Gortat, huling naglaro para sa Clippers.

Kandidato ang 33-anyos na si Howard, maaaring maglaro sa Lakers sa ikalawang pagkakataon para sa gagawing buyout ng Grizzlies.

Wala namang nagkainteres sa 34-anyos na si Noah, naglaro para sa Memphis sa nakalipas na season, free agency.

Ang 32-anyos na si Speights ay naglaro ng 10 seasons sa NBA, ang huli ay para sa Orlando Magic noong 2017-18.

Kumampanya siya sa China sa nakaraang season para sa Guangzhou Long-Lions.

vuukle comment

DEMARCUS COUSINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with