^

PM Sports

Lady Troopers pinaluhod ang Flying Titans

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang sets ang ki­na­ilangan ng PacificTown-Army para dagitin ang ika­lawang sunod na pa­na­lo laban sa Choco Mu­cho, 39-41, 19-25, 25-19, 25-20, 15-12, sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Confe­rence kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Umabot ng halos dala­wang oras at 34 minuto ang itinagal ng nasabing laro.

Gumawa rin ng ka­saysa­yan sa PVL ang na­sabing bakbakan sa pagpoposte ng set score na umabot sa 40.

Nanguna para sa Lady Troopers si Jovelyn Gonzaga na rumehistro ng tri­ple-double na 24 points mu­la sa 23 attacks, 26 ex­cellent digs at 16 excellent receptions.

Nanggaling si Gonzaga sa pagtulong sa Cignal HD Spikers na makuha ang five-set win laban sa Petron Blaze Spikers sa ka­nilang semifinals duel sa Philippine Superliga no­ong Martes.

Pumalo naman ng 21 mar­kers si Honey Royse Tubino.

Nag-ambag din sina Ne­ne Bautista at Lut Ma­laluan ng 13 at 8 points, ayon sa pagkakasunod.

“Padamihan na lang kami ng bala. Iyo na lang ‘yun eh. Parehas silang may bala. Kung sino ‘yung unang pumutok hin­di ba?,” wika ni Pa­ci­ficTown-Army head coach Kungfu Reyes sa Cho­co Mucho.

“Iyong art of war namin, slowly but surely na­gawa namin. Sumabay kami noong una pero nakita mo naman kahit na veteran na itong mga ito kaya naming sumabay sa kanila,” dagdag pa ng mentor.

Pukpukan ang na­ging laban ng dalawang tropa at parehong hindi bumi­bitaw.

Sa unang pagpalo pa lamang ng laro ay si­na­bayan ng mas beteranong Lady Troopers ang mas batang Flying Titans na nagpahapo sa kanila sa su­munod na set.

Pagpasok ng third at fourth set ay nag-iba ang inilaro ng Lady Troo­pers.

Umariba sila nang husto para nakawin ang nasabing set at ipuwersa sa isang gitgitan na decider kung saan nagtabla sa 10 ang laro sa likod ng 5-0 na atake ng Choco Mu­­cho.

Ngunit kinapos ang Flying Titans para ma­na­kaw ang panalo.

“Talagang padamihan kami ng bala. Hanggang sa dulo pumuputok kami na malaking bagay para sa amin,” sabi ni Reyes.

Magkatuwang naman sina Kat Tolentino at Mad­die Madayag na tu­ma­pos na may 23 points para sa Choco Mucho.

Nadulas ang baraha ng Flying Titans sa 1-1.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with