^

PM Sports

Bagong casualty sa Gilas squad

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Bagong casualty sa Gilas squad

MANILA, Philippines — Sunud-sunod na dagok ang nala­sap ng Gilas Pilipinas kung kailan pa­­­­palapit na nang papalapit ang kam­pan­ya nila para sa 2019 FIBA World Cup ngayong buwan.

Ito ay dahil sa pagkakatamo ni gunner Matthew Wright ng injury upang dumagdag sa humahabang listahan ng in­jured players ng Nationals.

Nakaramdam si Wright ng right ankle pain kaya’t hindi muna nakapagpag­patuloy sa ensayo kamakalawa ng gabi sa Meralco Gym.

Nakatakdang magpa-MRI (magne-tic resonance imaging) MRI si Wright ngayon upang malaman ang tunay na diagnosis ng kanyang right ankle.

Sa kabila naman nito ay siniguro ni Wright na makakahabol siya sa ensayo at handa nang maglaro ulit sa oras ng World Cup proper sa Foshan, China na nakatakda mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15.

Matatandaang sa sinalihan nilang trai­ning camp at pocket tournament sa Spain ay nadale na ang dalawang manlalaro nito ng injury.

Nagtamo si Gabe Norwood ng mild groin injury habang mild ankle sprain naman ang kay Poy Erram.

Bukod pa ang tatlong manlalaro kay Marcio Lassiter na noong nakaraang bu­wan ay nadale ng MCL spain sa noon ay idinaraos na 2019 PBA Commissio­ner’s Cup.

Sa kabila nito ay patuloy ang ensa­yo ng Gilas ngayon sa pangunguna ng mga healthy players na sina Andray Blatche, Raymond Almazan, Japeth Agui­lar, Paul Lee, Mark Barroca, Ro-bert Bolick, CJ Perez, Kiefer Ravena, RR Pogoy, Beau Belga, Troy Rosario at June Mar Fajardo.

Mayroon na lang lagpas isang linggo ang Gilas bago ang kampanya nito sa world stage kung saan makakalaban nito ang Serbia, Italy at Angola sa Pool B.

Bago naman sila lumipad patungong China sa Agosto 29 ay sasalang muna sila sa dalawang final na tuneup games kontra sa Australian team na Adelaide 36ers sa Agosto 23 at 25 na magiging basehan ni head coach Yeng Guiao sa pagpili ng kanyang final 12 line up.

vuukle comment

2019 FIBA WORLD CUP

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with