^

PM Sports

Mas matindi na ang hatawan sa PSL

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Simula na ng tunay na bakbakan para sa inaasam na korona sa 2019 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference sa paghaharap ng huling apat na tropa ngayong araw sa Muntinlupa Sports Center.

Maglalaban sa unang semifinals match ang defending champions na Petron Blaze Spikers at Cignal HD Spikers bandang alas-4:15 ng hapon at susundan ng bakbakang F2 Logistics Cargo Movers at Foton Tornadoes sa alas-7 ng gabi.

Kahit na nahirapan sa double round eliminations ang Blaze Spikers ngayong conference na ito, nagawa pa rin nitong manaig sa torneo at bitbitin ang twice-to-beat advantage ngayong semifinals.

Muling babandera para sa Petron sina Sisi Rondina, Bernadeth Pons, Ces Molina, Mika Reyes, Rhea Dimaculangan, Aiza Maizo-Pontillas, Rem Palma at Denden Lazaro.

“Itong na-experience namin this two-round eliminations sobrang grabe ‘yung inabot namin, ilang five-sets kami [and] laking bagay sa amin ‘yun kasi naging inspired kami na gawin pa ng maayos at pagbutihin pa namin,” sabi ni Petron coach Shaq delos Santos.

Para sa underdog na Cignal, susubukan nilang burahin ang twice-to-beat advantage na hawak ng Petron para maipuwersa pa ang isang laro at muling makasampa sa finals ng liga.

Mangunguna sa HD Spikers sina Rachel Ann Daquis at Jovelyn Gonzaga kasama ang malalim nitong core na si Mylene Paat, Alohi Robins-Hardy, Janine Navarro, Roselyn Doria, Ranya Musa at Jheck Dionela.

Sasamantalahin naman ng F2 Logistics Cargo Mo-vers ang tangan nilang twice-to-beat pero susubukan naman ng Foton Tornadoes na burahin ito para mas mapalakas pa ang tsansa nito sa championship round.

Matapos ang dalawang taon ngayon lang muling nakapasok ang Tornadoes at para sa kanila ay hindi nila sasayangin ang pagkakataon na ito.

“It’s been a long time that we haven’t played in the semifinals. Whoever we’re going up against with, I think the mental toughness of self-belief and stay at that composure. They’ve been in the finals, I think we just have to match,” ani Foton coach Aaron Velez.

Sasandalan ng Tornadoes sina Dindin Santiago-Manabat, Jaja Santiago, Mina Aganon, Shaya Adorador, Gyzelle Sy, Elaine Kasilag, Eya Laure at Jen Reyes.

Aasahan naman ng Cargo Movers sina Kalei Mau, Ara Galang, Kim Dy, Desiree Cheng, Aby Marano, Majoy Baron, Kim Fajardo at Dawn Macandili.

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with