PetroGazz bumalikwas
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Balik sa win-column ang PetroGazz Angels matapos walisin ang BaliPure Purest Water Defenders 25-22, 25-18, 25-16 sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Umariba ang Angels para muling umangat sa standings at iposte ang 1-1 na win-loss record sa kanilang koponan

Nanguna para sa Petro-Gazz si middle blocker Jeanette Panaga na may 16 puntos sa likod ng 12 attacks at tatlong blocks habang may siyam na marka si Paneng Mercado.

Paramdam din ang setter na si Djanel Cheng na nagrehistro ng limang puntos at 17 excellent sets at may pitong puntos naman si Jonah Sabete.

“Coming from last conference alam na nila ang role nila na support lang sa two imports. This time we need someone na kayang mag-deliver sa mga crucial situations. Ngayon kung kaya lahat gagawa, better,” ani Angels coach Arnold Laniog.

Ito naman ang ikalawang sunod na kabiguan ng Purest Water Defenders sa conference na ito at ika-12 sunod na talo nga-yong season mula noong Reinforced Conference.

Samantala, sa Collegiate Conference, sinunggaban ng University of Santo Tomas Golden Tigresses ang una nitong panalo nang lunurin ang Lyceum of the Philippines University Lady Pirates, 25-18, 25-13, 25-21.

Nagpakilala ang roo-kie na si Imee Hernandez na pumalo ng siyam na puntos mula sa limang attacks, tatlong blocks at isang ace habang may walong puntos na ayuda si Jenna Torres.

Nagbalik din sa larong ito si EJ Laure matapos ang isang taon ng pagkawala dahil sa kanyang injury sa balikat at nagrehistro ito ng dalawang puntos.

Pinaluhod din ng Arellano University ang Technological Institute of the Philippines, 25-12, 25-7, 25-13 at nanaig naman ang University of Perpe-tual Help sa San Sebastian College-Recoletos, 25-14, 25-22, 22-25, 25-17.

 

 

PETROGAZZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with