Ysa Jimenez nadulas
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa man sumasalang sa aksyon ang University of Santo Tomas Golden Tigresses sa Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference kahapon, uminda agad ng ankle injury ang isa sa mga player nito na si Ysa Jimenez.

Masama ang pagbagsak ng sophomore spiker sa pagtatapos ng kanilang warm-up sa laban nito kontra Lyceum of the Philippines University.

Ayon kay UST coach Kungfu Reyes, nakatakda na silang mag-serve ng biglang nadulas si Jimenez na naging dahilan ng kanyang pagbagsak.

“Actually patapos na ‘yung warm-up, magse-serve na kami. ‘Pag-landing niya lang nadulas, mag-isa lang siya doon,” ani Reyes.

Ayon sa unang assessment ng koponan, wala namang nakita na kahit anong fracture sa kanyang kaliwang ankle pero sinugod pa rin siya sa ospital dahil sa kakaibang tunog nitong narinig.

“Ang masama nito grabe ang maga, so pagkadulas niyang ganun may tumunog daw so very unusual ‘yung pagkakamaga ng paa.

Aabutin aniya ng humigit-kumulang anim na linggo ang tagal ng pagpapagaling ni Jimenez at maaring i-sideline siya sa halos buong season.

“Initial assessment magbibilang kami ng recovery from six weeks,” dagdag ni Reyes.

 

 

YSA JIMENEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with