Konting pahinga lang ang Gilas
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpahinga muna ang Gilas Pilipinas kahapon para paghandaan ang mas bigating pagsasanay nga-yon sa Meralco Gym para sa nalalapit na 2019 FIBA World Cup sa huling bahagi ng buwang  ito.

Binigyan ni head coach Yeng Guiao ng isang araw na dayoff ang Gilas upang makapagbigay na rin ng buwelo sa tatlong manlalaro na sina June Mar Fajardo ng San Miguel gayundin sina Roger Pogoy at Troy Rosario ng Talk ‘N Text bago sila sumalang sa Nationals’ training camp.

Kagagaling lang ng tatlong cagers sa umaatikabong 2019 PBA Commissioner’s Cup Finals series na nagtapos na kamakalawa at pinagwagian ng Beermen, 4-2.

Matatandaan na dahil sa ginanap na mid-season conference championship ay hindi nakasali sa nakalipas na mga linggong pagsasanay ang tatlong manlalaro gayundin sa sinalihan ng Gilas na training camp at pocket tournament sa Spain.

Inaasahan ni Guiao na naka-recover na agad sina Fajardo, Pogoy at Rosario upang makumpleto na sa wakas ang kanyang training pool, dalawang linggo bago ang quadrennial basketball conclave sa Foshan, China nga-yong Agosto 31 hanggang Setyembre 15.

Bukod sa tatlong bete-rano ng Gilas, nauna nang sinabi ni Guiao na sigurado na sa final roster at inaasahan din ang pagdalo ngayon nina Japeth Aguilar, JP Erram, Raymond Almazan, Gabe Norwood, Kiefer Ravena, Robert Bolick, CJ Perez, Matthew Wright, Paul Lee, Beau Belga at Mark Barroca.

Magaganap ang ensayo ng Gilas simula alas-6 ng gabi sa Meralco Gym at magpapatuloy sa natitirang 13 na araw bago ang World Cup.

Bukod sa araw-araw na ensayo, mayroon pang tune-up games ang Gilas sa Agosto 23 at 25 kontra sa Australian team na Adelaide 36ers na magiging basehan ni Guiao sa pagpili niya ng kanyang final 12 line-up.

Sa Agosto 29 lilipad ang Gilas patungo sa Foshan, China kung saan makakasagupa nila ang Serbia, Italy at Angola sa Group B.

 

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with