GenSan pinasadsad ang Muntinlupa
(Pang-masa) - August 19, 2019 - 12:00am

BALIWAG, Philippines — Pinasadsad ng General Santos City Warriors ang Muntinlupa Cagers, 84-61 para sa kanilang ikaanim na sunod na panalo sa 2019 MPBL Lakan Season kamakalawa ng gabi dito sa Baliwag Star Arena.

Ang panalo ang nagtabla sa Warriors sa se-cond hanggang third places sa Southern Division sa kanilang 8-2 baraha.

Matinding depensa ang ipinalasap ng GenSan sa Muntinlupa kung saan  blinangko nila si JG Ylagan habang nalimitahan si Ryusei Koga sa apat na puntos.

Nalasap ng Cagers ang kanilang pang-walong kabiguan sa 11 laro.

Sinunog naman ng Bicol Volcanoes ang Navotas Cltuch, 88-73 sa likod ng 15 points ni Ronjay Buenafe at kumolekta naman si Hafer Mondragon ng 14 points at 11 rebounds.

Samantala, ipinarada naman ng Bulacan Kuyas si bagong head coach in Kerwin McCoy, pinalitan si Britt Reroma na nagbunga ng kanilang 74-69 paggupo sa Mindoro Tamaraws.

Ito ang ikaanim na panalo ng Kuyas sa 11 asignatura parta umakyat sa seventh spot sa Northern Division ng regional amateur basketball league.

 

MUNTINLUPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with