^

PM Sports

Gilas makukumpleto matapos ang PBA Finals

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayong tapos na ang giyera sa 2019 PBA Commissioner’s Cup ay magsasanib-puwersa na ang mga magkaribal para magsuot ng iisang uniporme at magbandera ng iisang bandila sa Gilas Pilipinas.

Inaasahan ang pagsali kaagad nina five-time PBA MVP June Mar Fajar­do ng San Miguel, Roger Pogoy at Troy Rosario ng Talk ‘N Text sa pagpapatuloy ng training camp ng Nationals sa Meralco Gym para sa nalalapit na 2019 FIBA World Cup.

Hindi nakasali sa mga nakaraang linggong pag­sa­sanay ng Gilas maging sa kanilang Spain trip si­na Fajardo, Rosario at Pogoy dahil sa mid-season con­ference championship series na pinagwagian ng Beermen laban sa Tropang Texters kamakalawa. 

Sa pagdating ng tatlong inaabangang manlalaro ay kumpleto na ang koponan ni head coach Yeng Guiao at makakatodo na sa ensayo dalawang linggo bago ang world basketball championships na nakatakda sa China mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15.

Walang pahi-pahinga sa tatlong players pa­ra masamahan kaagad nila ang mga regular practice at­ten­­dees na sina Paul Lee, Mark Barroca, Gabe Nor­wood, JP Erram, Raymond Almazan, Japeth Aguilar, Matthew Wright, Kiefer Ravena, Beau Belga, naturalized player Andray Blatche at rookies CJ Perez at Robert Bolick.

Simula ngayon ay araw-araw na ang ensayo ng Gilas upang makapaghanda rin sila sa huling dala­wang tune-up games kontra sa Aussie team na Ade­laide 36ers sa Agosto 23 at 25 sa Meralco Gym.

Matapos ang naturang friendly game ay inaasa­hang ihahayag ni Guiao ang kanyang Final 12 bago lumipad patungong Foshan, China sa Agosto 29.

Nasa Pool B ng quadrennial basketball tilt ang G­ilas Pilipinas kontra sa European powerhouses na Ser­bia at Italy at Angola.

 

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with