Tumama sa ulo ni Ria Meneses ng Generika-Ayala ang spike ni Rachel Ann Daquis ng Cignal.
PM photo ni Ernie Peñaredondo
Cignal swak sa semis
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - August 18, 2019 - 12:00am

Lalabanan ang no. 1 Petron Blaze Spikers

MANILA, Philippines — Nakalusot sa semifinal round ng Philippine Su­perliga (PSL) All-Fi­lipino Conference ang Cignal HD matapos ta­lu­nin ang Generika-Aya­la, 25-15, 17-25, 25-18, 25-22 sa knockout quarterfinals game ka­ha­pon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Minanduhan ni kapitana Rachel Ann Daquis ang HD Spikers sa pagpalo ng 14 points mula sa 13 attacks at nagdag­dag ng 13 markers si Alo­hi Robins-Hardy.

Nagparamdam din sa laro si dating national team member Jovelyn Gon­zaga na naglista ng 10 points at 14 digs, habang may 12 markers si Mylene Paat.

“Ang sabi ko lang sa kanila marami kaming ginagawang paghahan­da. Nasa kanila na ang de­sisyon,” sabi ni Cignal coach Edgar Bar­ro­ga.

“Nag-work naman. Factor din definitely ‘yung two losses sa first round. Iyon ang challenge ko sa kanila. At na-challenge naman si­la,” dagdag pa nito.

Muling dinomina ng Cignal ang bloc­king de­partment mula sa ka­nilang 16 blocks sa pa­mu­muno ni Robins-Hardy na may pitong blocks at may apat si Gon­zaga.

Makakaharap ng HD Spikers sa semifinals ng All-Filipino tourney ang No. 1 seed at defending champions na Petron Blaze Spikers, may ha­wak na ‘twice-to-beat’ ad­vantage.

Naging gitgitan ang unang set ng laro nang kontrolin agad ito ng Cig­nal bago bumawi at umararo ang Generika-Ayala pagdating second set at kinuha ang 11-6 ka­­lamangan.

Mas lalong uminit ang HD Spikers papasok ng huling dalawang sets kasabay na pagko­nekta ng depensa sa net laban sa Lifesavers.

 

CIGNAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with