Cousins posibleng hindi makalaro para sa Lakers
(Pang-masa) - August 17, 2019 - 12:00am

EL SEGUNDO, Calif. — Nahaharap na naman si DeMarcus Cousins sa isang rehabilitasyon matapos magkaroon ng isang major injury.

Ito ang unang kinakaharap na problema ng Los Angeles Lakers bago ang darating na NBA season.

Si Cousins ay may torn ACL sa kanyang kaliwang tuhod, isang injury na ma­aaring magpaupo sa six-time All-Star big man sa halos kabuuan ng una niyang season para sa Lakers kasama sina LeBron James at Anthony Davis.

Sinabi ni Jeff Schwartz ng Excel Sports Management, ang agent ni Cousins, na pag-usapan pa nila kung kailan itatakda ang surgery.

Naglaro si Cousins sa Golden State Warriors sa nakaraang season at nagkaroon ng injury sa workout ng Lakers sa Las Vegas kamakailan.

Nauna nang nagkaroon si Cousions ng ruptured left Achilles tendon at torn left quadriceps muscle sa nakalipas na playoffs.

“He was going to be a big part of what we’re going to do,” sabi ni Lakers forward Kyle Kuzma matapos ang USA Basketball practice sa Lakers’ facility.

Ilang players sa NBA ang nagpahatid ng suporta kay Cousins sa pamamagitan ng social media kasama dito si veteran center Pau Gasol, na nagsulat ng “You will come back stronger brother.”

Ikinalungkot naman ni Warriors coach Steve Kerr — isang Team USA assistant — sa nangyari kay Cousins.

LAKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with