^

PM Sports

Red Lions pinapak ang Perpetual Altas

Francisco Cagape - Pang-masa
Red Lions pinapak ang Perpetual Altas
Inilusot ni Paolo Hernandez ng Mapua ang kanyang layup laban kina John Amores at Stefan Steini ng JRU.
PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Walang awang nila­pa ng San Beda Red Lions ang Perpetual Help Altas, 102-56, ha­bang pi­nutol ng Lyceum Pirates ang five-game winning streak ng St. Be­nilde Blazers, 74-71, kahapon sa Season 95 NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Limang players ng Red Lions ang tumapos na may double-digits ka­bilang sina AC Sobe­rano at Cameroonian import Donald Tankoua na umiskor ng tig-15 points para sa ikaanim na sunod na panalo at manatili sa solo top spot sa 6-0 kartada.

“Credit to my boys for the win. They wan­ted to prove something. AC made the most of his threes in the fourth. Hopefully, tuluy-tuloy na rin ‘yung kumpiyansa niya,” sabi ni SBU coach Boyet Fernandez.

Sa unang yugto pa lamang ay iniwanan na ng San Beda ang Perpe­tual, 30-17, na lumobo sa 20 puntos, 47-27, sa first half. 

Umabot sa 52 puntos, 102-50, ang bentahe ng Red Lions sa huling tatlong minuto ng laro.

Limang season records ang naitala sa ma­laking panalo ng San Be­da kabilang ang season-high in points, season-high fieldgoals attempts, season-high fieldgoals made at season-high 3-points made at biggest winning margin sa taong ito.

Hindi rin nagpahuli ang 94th season runner-up na Lyceum upang mag­bigay senyales sa seryosong asam sa titulo sa taong ito.

Umangat ang Pirates sa solo second spot sa 6-1 kartada, habang ang Blazers ay nalaglag sa 5-1 marka.

Tumipa ng 23 point si Jaycee Marcelino at humataw si Cameroonian Mike Nzeusseu ng 17 markers at 16 boards.

 

 

vuukle comment

RED LIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with