Banko Perlas, Air Force kapwa hangad makabangon sa kabiguan
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - August 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapwa susubukan ng BanKo Perlas at Air Force na makabalik sa por­ma sa kanilang bak­ba­kan sa Premier Vol­ley­ball League Season 3 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Maglalaban ang da­la­wang tropa ngayong alas-6 ng gabi.

Hindi naging maganda ang simula ng pagba­balik sa PVL ng Lady Jet Spikers nang lampasuhin sila ng nagdedepensang Creamline via three straight sets, 23-25, 20-25, 15-25 no­ong na­karaang linggo.

Hindi gumana ang mga beterano ng tropa na sinandalan nila sa  pa­ngunguna nina Judy Ca­ballejo, Wendy Se­ma­na, Del Palomata, Joy Cases at May-Ann Pan­tino at nalasap ang unang kabiguan.

Samantala, natikman ng Perlas Spikers ang una nilang pagkatalo sa kamay ng PacificTown-Army Lady Troopers, 23-25, 23-25, 25-17, 20-25, kamakailan.

Muling babandera pa­ra sa BanKo Perlas si­na Dzi Gervacio, Nicole Tiamzon, Ella de Jesus, Kathy Bersola, Sue Roces at Jem Ferrer.

Sisimulan naman ang double-header na ito sa laban sa pagitan ng Motolite at bagong saltang Chef’s Classics sa alas-4 ng hapon.

Muling aasahan ng Mo­tolite ni coach Godfrey Okumu sina Myla Pablo, Isa Molde, Tots Carlos, Maristela Layug at ang setter na si Iris To­lenada.

Bago man sa liga ay asahan nang makikipag­sabayan sa torneo ang Chef’s Classics Red Spi­kers ni coach Nemesio Gavino na mamanduhan nina Nieza at Jezie Viray, Justine Tiu at Lynsey de Jesus.

 

AIR FORCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with