Tolentino pamumunuan ang General Assembly ngayon
Francisco Cagape (Pang-masa) - August 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula nang maupo bi­lang bagong pangulo ng Philippine Olympic Committee ay isasagawa ni Rep. Abrahan “Bambol” Tolentino ang ka­una-unahan niyang Ge­ne­­ral Assembly meeting ngayon sa Diamond Hotel sa Malate, Manila.

Inaasahan ang mada­ling kumpirmasyon mula sa nasabing GA ang mga bagong appointments ni Tolentino na aprubado na rin sa Exe­cutive Board Me­eting no­ong Agosto 9 sa POC office sa Philsports Complex sa Pasig City.

Kabilang sa mga tatalakayin sa GA ay ang ap­pointment ni Edwin Gas­tanes ng football bilang bagong secretary-ge­neral kapalit ni Pato Gre­gorio na tumanggi sa dati niyang posisyon dahil sa kanyang corporate duties sa PLDT.

Si movie actor at Ormoc City Mayor Richard Gomez ng fen­cing ang ba­­­gong deputy sec-gen ka­palit ni Karen Caballero-Tangchangco ng sepak tak­raw at si dating Justice Secretary Alberto Agra ang chief legal counsel ng POC.

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with