Win No. 13 ipoposte ng Petron kontra sa Foton
(Pang-masa) - August 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Susubukang iposte ng Petron Blaze Spi­kers ang ika-11 sunod na pa­nalo, habang nais bumalik ng Foton Tornadoes Blue Energy sa win-co­lumn sa 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Corpus Christi Gymnasium sa Ca­gayan de Oro City.

Maghaharap ang da­lawang powerhouse teams ngayong alas-6 ng gabi.

Bitbit ng defending champions ang bentahe matapos dungisan ang ma­linis na record ng F2 Logistics sa bisa ng five-set victory, 26-28, 27-29, 25-19, 25-20, 15-6, noong Huwebes.

Umariba para sa Blaze Spikers si UAAP Season 81 MVP Sisi Ron­dina katuwang si­na Ces Molina, Mika Re­yes at Bernadeth Pons pa­ra manakaw ang top spot sa torneo.

Pero kahit nagawang makabawi ng kanyang tropa kontra sa Cargo Mo­vers ay ayaw magpakumpiyansa ni Petron head coach Shaq delos Santos sa mga natitira nilang mga laro.

“Stay humble pa rin kami, hindi kami puwedeng maging compla­cent. Mas kailangan na­ming mag-double time para sa mga susunod na­ming games,” sabi ni Delos Santos.

Muling huhugot si De­los Santos sa mala­lim niyang line-up sa pamu­muno nina Moli­na, Ron­dina, Reyes, Pons,  Ai­za Maizo-Pontillas, Re­­my Palma at Denden La­zaro.

Samantala, susubukan ng Blue Energy na ma­kabawi at bumalik sa porma matapos matalo sa HD Spikers, 23-25, 25-21, 14-25, 21-25.

Ibabandera ng Foton ni coach Aaron Velez ang magkapatid na sina Ja­ja Santiago at Dindin Santiago-Manabat kasama sina Elaine Kasilag, Mina Aganon, Marian Buitre at Jen Reyes.

Matapos ang double round eliminations ay di­retso ang lahat ng tro­pa sa knockout quarterfinal round. Fergus E. Josue, Jr.

 

PETRON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with