Azkals, Rugby sa PSA Forum
(Pang-masa) - August 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Panauhin si Azkals team manager Dan Pa-lami at ang Philippine women’s rugby team sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Amelie Hotel-Manila.

Magbibigay si Palami ng updates tungkol sa Azkals, kabilang ang opening ng kanilang qualifying bids ngayong September para sa FIFA World Cup sa Qatar sa 2022 at sa AFC Asian Cup na gagawin sa China sa 2023.

Dadalo rin sa lingguhang public sports program na handog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang women’s rugby team coaches na sina Chris Everingham Fetalia Tauaa at mga players na sina Happy Denuyo, Ada Milby at Patricia Duffy.

Tatalakayin ni Milby, tumatayong secretary-general ng Philippine Rugby Union ang paghahanda ng koponan at ang kanilang medal chances sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.

Inaanyayahan ang mga PSA members na dumalo sa 10:00 a.m. session.

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with