^
Tolentino vs Juico para sa POC presidency
Abraham Tolentino at Philip Ella Juico

Tolentino vs Juico para sa POC presidency

Francisco Cagape (Pang-masa) - July 28, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pag-aagawan ngayon nina Tagaytay City Rep. Abraham Tolentino ng cy­cling at Philip Ella Juico ng athletics ang bakanteng posisyon ng pangu­lo sa isang special election ng Philippine Olympic Committee sa Century Park Sheraton Hotel sa Malate, Mani­la.

Ang 55-anyos na Tagaytay Congressman na si Tolentino ay presidente ng Integrated Cycling Federation of the Philip­pines (Philcycling), habang ang 72-anyos na da­ting PSC chairman na si Juico ay pangulo ng Philippine Athletics Track and Field Asso­cia­tion (PATAFA).

Naging bakante ang na­turang posisyon dahil sa pagbibitiw ni dating presidente Ricky Vargas noong Hunyo 18 kaya isa­sagawa ang nasabing ikatlong eleksyon ng POC sa loob ng four year Olympic cycle.

Kaya ang magwawagi ay maninilbihan sa natitirang 16 buwan dahil ang susunod regular election ng Olympic body ay sa Nobyembre, 2020 matapos ang Tokyo Olympic Games.

“I am calling on my fellow NSA heads to prioritize the POC’s future when they cast their votes. The POC is an institution that needs protection. I will wield a broom,” sabi ni Tolentino ukol sa pangakong paglilinis sa Olympic body.

Bukod sa presidente, pag­bobotohan din ang ba­kanteng posisyon ng chairman na iniwanan ni Tolentino at dalawang slots sa POC Executive Board dahil sa resignation nina Clint Aranas ng archery at Cynthia Carreon ng gymnastics.

Sa hanay ni Tolenti­no, kasama niya sa ticket sina Robert Aventajado ng taekwondo na tatakbo bilang chairman at sina Monico Puentevella ng weighlifting at Carreon para sa executive board.

Itatapat naman ni Jui­co si Steve Hontiveros ng netball para sa po­sisyon ng chairman at sina Aranas at Lani Velasco ng swimming sa dalawang bakanteng posisyon ng POC executive board.

 

TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with