^

PM Sports

Ensayo ng Gilas araw-araw na

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Ensayo ng Gilas araw-araw na
Yeng Guiao

MANILA, Philippines — Tulad ng inaasahan at ng kahilingan ni head coach Yeng Guiao, magiging araw-araw na ang ensayo ng Gilas Pilipinas lagpas isang buwan pa bago ang kampanya nito sa 2019 FIBA World Cup sa China sa Agosto.

Ayon sa national team tactician, magsisimula na sila sa daily session si-mula sa susunod na linggo sa misyong maitodo ang kanilang paghahanda para sa world basketball championships na nakatakda mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15 sa Foshan.

Ang daily training na ito ay malaking tulong mula sa twice-a-week training nila tuwing Lunes at Huwebes noon pang Hunyo.

Mangyayari ang naturang pag-angat ng build-up ng 19-man Nationals dahil sa parami nang paraming teams na nasisibak sa kontensyon ng idinaraos na 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Sa susunod na linggo kasi ay inaasahang magsisimula na ang semi-finals ng mid-season conference. Ibig sabihin ay walong koponan na ang malalaglag na maaari nang mag-ensayo sa nationals nang araw-araw at walang schedule conflict.

Ang daily session na ito ay magbibigay sa Gilas Pilipinas ng pagkakataong maitaas sa 70 hanggang 80 porsyento ang paghahanda nila ayon kay Guiao bago pumasok ang Agosto.

Pagpasok ng krusyal na buwang Agosto ay umaasa si Guiao na mapupunan na ng Nationals ang 100 percent na kahandaan lalot’ marami pa silang nakapilang tune-up games.

Lilipad ang Gilas sa Spain sa Agosto 4 hanggang 11 para sa isang pocket tournament kung saan masusukat nila ang kanilang sarili kontra sa host na Spain, Cote D’Ivoire at Congo.

Matapos iyon ay babalik ang Gilas sa bansa para sa pagpapatuloy ng daily camp nito bago sumalang sa huling tune-up matches kontra sa Adelaided 36ers sa Agosto 23 at 25 sa Meralco Gym.

vuukle comment

YENG GUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with