Thurman bawal muna sa boksing
MANILA, Philippines — Naglabas ng medical bulletin ang Nevada Athletic Commission matapos ang bakbakan nina reigning World Boxing Association (WBA) super welterweight champion Manny Pacquiao at Keith Thurman noong Linggo sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Inutusan si Thurman na sumailalim sa X-ray upang malaman ang kundisyon ng kaniyang kanang kamay na pinaniniwalaang nagtamo ng fracture.
Hindi rin maaaring magkaroon ng anumang boxing-related activities si Thurman hanggang sa Setyembre 4.
Sakaling ma-clear ang kalagayan ni Thurman ay maaari na siyang bumalik sa aksyon sa Enero 17.
Sa kabilang banda, wala namang major assessment kay Pacquiao.
Pinayuhan lang ang eight-division world champion na hindi ito maaaring sumailalim sa training o kahit anong pisikal na aktibidad hanggang sa Agosto 20.
Naglalabas ng medical update ang Nevada Athletic Commission matapos ang bawat laban sa kahit anong fight event sa Nevada.
Ito ay upang mapangalagaan ang mga boksingerong sumasalang bago at matapos ang laban.
- Latest