Puro yabang lang pala
Chris Co (Pang-masa) - July 22, 2019 - 12:00am

Pacquiao binugbog si Thurman

MANILA, Philippines — Pinatunayan ni Filipino boxing legend Manny Pacquiao na may ibubuga pa ito matapos itarak ang split decision win laban kay Keith Thurman upang ma-unify ang WBA regular at super welterweight belt kahapon sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Pumabor kay Pacquiao ang dalawang hurado na parehong nagtala ng 115-112, habang nakuha ni Thurman ang boto ng ikatlong judge na nagbigay ng 114-113 sa kanya.

Dahil sa tagumpay, ang 40-anyos na si Pacquiao na ang pinakama­tan­dang welterweight champion sa kasaysayan ng bok­sing.

“It was fun. My oppo­nent is a good fighter and boxer. He was strong. He’s a good boxer and he’s strong. I was just blessed to­night,” ani Pacquiao.

Pinuri ni Pacquiao ang magandang inilaro ni Thurman dahilan upang umabot ang laban sa 12 rounds.

Nais na rin kalimutan ng eight-division world champion ang mga ma­a­anghang na salitang bi­nitawan ni Thurman sa pre-fight na tinawag ni­­tong bahagi lang ng pro­motion para maging maingay ang laban.

“I’m not that kind of boxer who talks a lot, we were just promoting the fight,” ani Thurman.

Maagang inilabas ni Pac­quiao ang bagsik nito matapos pakawalan ang solidong right shot dahi­lan upang bumagsak si Thurman sa first round.

Nagpatuloy ang ma­i­nit na kamada ni Pacquiao hanggang fourth round ngunit nagawang makabalik sa porma ni Thurman sa fifth at sixth round kung saan kumunekta ito ng ilang suntok sa Pinoy champion.

Nagbalik ang bagsik ni Pacquiao sa eighth round gamit ang magandang footwork at speed para muling gimbalin si Thurman.

Halos bumagsak pa si Thurman nang paliguan ito ng kaliwa’t kanang sun­tok ni Pacquiao sa 10th round na momentong nadala nito hanggang sa 12th round para tulu-yang makuha ng Pambansang Kamao ang panalo.

Nakatakdang bumalik sa Pilipinas si Pacquiao para makahabol sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Du­terte ngayong araw.

Wala pang desisyon si Pacquiao sa kanyang susunod na laban.

Nais muna nitong nam­namin  ang tagumpay kasama ang kanyang pa­milya at buong sambayan na nagdiriwang sa kanyang tagumpay.

“I think I will fight next year.I will go back to the Philippines and work and then make a de­cision,” sabi ni Pacquiao.

MANNY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with