Aces hiniritan ng ‘do-or-die’ ang TNT Katropang Texters
Russell Cadayona (Pang-masa) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Alam ni Carl Bryan Cruz ang pagiging pikon ni dating NBA player Ter­rence Jones.

Ito ang kanyang ginamit para alisin sa laro ang 6-foot-8 na si Jones sa third period para tulu­ngan ang No. 4 Alaska na ipagpag ang No. 1 TNT Katropa, 108-72, sa kanilang quarterfinals match sa 2019 PBA Com­missioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

“We just prepared hard and we fought as a team,” sabi ni balik-im­port Dia­mon Simpson na hu­ma­kot ng 15 points, 19 rebounds, 4 blocks, 4 assists at 2 steals para sa tropa ni head coach Alex Compton. “We just got to take it one game at a time because they’re a great team.”

Nagmula ang Aces sa 108-103 overtime win la­ban sa Meralco Bolts sa kanilang playoff game no­ong Biyernes para ma­katapat ang Tropang Tex­ters, may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage, sa quarterfinals.

Kaagad kinuha ng Alaska ang 11-point lead sa ka­agahan ng second pe­riod bago ito naputol ng TNT Katropa sa 33-34 sa li­kod nina Jayson Castro at Troy Rosario sa 6:57 mi­nuto nito.

Ngunit isang 19-4 ata­ke ang ginawa ng Aces tampok ang three-point shot ni Simon Enciso pa­ra muling makalayo sa 53-38 sa huling 15.4 segundo bago ang halftime.

Lalo pang nabaon ang Tropang Texters sa 85-58 sa nalalabing 48 segundo ng third period kasunod ang itinawag na F1 flagrant foul penalty 1 kay Jones matapos itulak sa leeg si Cruz sa pagtatapos ng nasabing yugto.

Hindi na ibinalik si Jones sa final canto kaya tu­luyan nang iniwanan ng Alaska ang TNT Katro­pa sa 103-68 sa huling apat na minuto para maplantsa ang ‘do-or-die’.

 

 

TNT KATROPANG TEXTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with