Libranza, Dato nalo sa undercard
Russell Cadayona (Pang-masa) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maliban kay Filipino boxing icon Manny Pacquiao, dalawa pang Filipino fighters ang umiskor ng magkahiwalay na tagumpay sa undercard kahapon sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Naglista si top flyweight prospect Genisis Libranza (19-0-1, 10 KOs) ng fourth-round KO victory laban kay Carlos Maldonado (11-4-0,7 KOs) ng Los Angeles sa­man­talang pinahinto naman ni unbeaten flyweight John Leo Dato (12-0-1, 8 KOs) si Juan Antonio Lopez (12-0-1, 8 KOs) sa fifth round.

Nabigo naman si JayAr Inson (18-3-0, 12 KOs) na ipanalo ang kanyang laban nang mapabagsak ni Ka­zakhstan fighter Sergey Lipinets (16-1-0, 12 KOs) sa second round para sa World Bo­xing Organization in­tercontinental welterweight title.

Ang 28-anyos na si Inson ang pu-ma­lit sa 36-anyos na si John Molina Jr. (30-8-0, 24 KOs) na nagkaroon ng back injury.

LIBRANZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with