^

PM Sports

Magkakaalaman na

Chris Co - Pang-masa
Magkakaalaman na
Ipinagyabang ni Keith Thurman ang kanyang maskuladong katawan.

MANILA, Philippines — Magkakaalaman na ngayong araw kung sino ang hari sa welterweight division sa paglarga ng unification bout nina reigning WBA regular welterweight champion Manny Pacquiao WBA super welterweight king Keith Thurman sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Matapos ang ilang buwang pagod at hirap sa training, ilalabas na nina Pacquiao at Thurman ang buong puwersa nito para makuha ang inaasam na tagumpay at maisakatuparan ang magkaibang plano.

Wala nang dapat pang patunayan si Pacquiao na nais na lamang maipagpatuloy ang kanyang legacy bilang pinakamabagsik na boksingero sa mundo.

Sa kabilang banda, hangad ni Thurman na gumawa ng ingay upang mapaba-ngo ang kanyang umuusbong na career at bigyang ningning ang kanyang pangalan sa industriya ng boksing.

Parehong pasok sa timbang sina Pacquiao at Thurman na kapwa nagtala ng 146.5 pounds sa official weigh-in kahapon.

“I trained long and hard for this this fight to continue my journey for our country, our people and for boxing. I won’t allow those days in the camp wasted by losing,” wika ni Pacquiao.

Muling humiling si Pacquiao ng panalangin sa kan­yang mga tagasuporta para sa ikatatagumpay ng la­ban niya kay Thurman.

Determinado si Pacquiao na mapabagsak si Thurman.

Kitang-kita ang init sa mga mata nito at mabagsik na pangangatawan na handang sumalang sa matin-ding bakbakan.

“My training team has done everything that should be done to prepare me for this fight and it is now up to me to implement the game plans and strategies my team prepared in that ring,” ani Pacquiao.

Kasado na ang game plan.

Kailangan na lamang itong maisakatuparan ni Pac­quiao para makuha ang panalo.

Pinaalalahanan din ni Pacquiao ang sarili na mag-ingat para makaiwas sa anumang aberya.

“Napag-aralan ko nang iwasang gawin ulit yung mga mali ko sa previous fights ko. We, too, change the way I train in order that I keep myself rested always. That’s why I can safely say that I’m ready, physically, mentally, spiritually and well-rested,” ani Pacquiao.

Binantaan din ni Pacquiao si Thurman na maliit lang ang ring. Wala itong lugar kung balak nitong magtago o tumakbo takbo.

“The ring is not that big for him to hide. Thurman can run but he can’t hide,” ani Pacquiao.

vuukle comment

KEITH THURMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with