^

PM Sports

Tagumpay ni Manny hangad ng pamilya Pacquiao

Chris Co - Pang-masa
Tagumpay ni Manny hangad ng pamilya Pacquiao
Pasok si Manny Pacquiao sa weight limit.

MANILA, Philippines — Walang ibang hangad ang pamilia Pacquiao kundi ang ikatatagumpay ng kanilang padre de pamilya sa oras na makasagupa nito si American figh­ter Keith Thurman ngayong araw sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Numero-unong cheerleader si Jinkee Pacquiao na bagama’t may kabang na­raramdaman sa dibdib ay tiwala siyang makukuha ng kanyang asawa ang tagumpay sa labang ito.

“Nakita ko na talagang maganda ang naging training ni Manny ngayon kumpara before. Para sa ating bayan ang laban na ito at para kay Lord. Naniniwala ako na sasamahan siya ni Lord sa laban niya,” ani Jinkee.

Personal ding manonood si Mommy Dionisia na umaasang matapos ang laban na walang anumang problema sa kalusugan ng kanyang anak.

“Idinadalangin naming lahat ang kanyang panalo at alam kong hindi ka­mi mabibigo at mananalo siya,” wika ni Mom­my Dionisia.

Hindi naman nilinaw ni Mommy Dio­nisia kung mayroon itong dadal-hing pampasuwerte sa mismong laban.

Matatandaang nag-viral ang video ni Mommy Dionisia sa laban ni Pacquiao kontra kay Timothy Bradley noong Abril 2014 kung saan nakita itong nagdarasal habang nakaturo sa ring.

Napagkamalan pa ito ng ilang netizen na may isinasagawang orasyon habang nagaganap ang laban. Pinabulaanan naman ito ni Mommy Dionisia na ipinaliwanag na patuloy lang ang kanyang pagdarasal sa buong panahon ng laban.

Nagbigay din ng komento ang pa-nga­nay na anak ni Pacquiao na si Ji­muel na makailang ulit na nasilayang su­masabay sa training camp ng eight-di­vision world champion.

“I saw my dad trained even during his camp in Manila up to LA and I think he’s stronger now and faster than his previous fights. I joined him working the mitts with coach Freddie Roach at the Wild Card and I felt the power of his punches,” ani Jimuel.

vuukle comment

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with