^

PM Sports

Kailangang lumaban ng Mighty Sports

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Wala pang kasiguraduhan ang asam na kampeo-nato ng pambato ng Pilipinas na Mighty Sports sa idinaraos na 41st William Jones Cup sa New Taipei City sa Taiwan.

Ito ay sa kabila ng malinis nitong 6-0 baraha papasok sa huling dalawang laro nito sa prestihiyosong eight-team Asian invitational tourney.

Sasagupain pa ng Philippine bet ang home teams na Chinese Taipei B ngayong Linggo at Chinese Taipei A kagabi habang isinusulat ang balitang ito.

Nasa tuktok ng team standings ang Mighty Sports ngayon matapos ang mga dominanteng panalo kontra sa Iran (98-72), Jordan (90-76), Japan (94-59), Ca­nada (116-87), South Ko­rea (89-82) at Indonesia (94-66).

Subalit nasa likod nila ang SoKor (5-1) gayundin ang Chinese-Taipei A (5-1) kaya’t krus­yal ang ginaganap pa ni­tong la­ban kontra sa naturang home team.

Sa format ng Jones Cup, walang playoffs na magaganap bagkus ay ta­tanghalin na kampeon ang may pinakamagandang record sa pagtatapos ng single round robin elimination round.

Kung matatalo ang rein­forced Pinoy Team sa mga huling laban nito ay maaari pa silang masi­lat sa unang puwesto ng parehong SoKor at Chinese Taipei A.

 

vuukle comment

MIGHTY SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with