Dela Cruz, Santos nagbulsa ng medalya sa Asean Games
Beth Repizo-Meraña (Pang-masa) - July 21, 2019 - 12:00am

SEMARANG, Indonesia -- Ibinigay nina Than­ya Angelyn Dela Cruz at Phillip Joaquin San­tos ang dalawang me­­dalya sa Philippine Swim­ming Team maka­raang lumangoy ng pilak at tanso sa 11th Asean School Games na ginaga­nap sa Jatidiri Sports Com­plex dito.

Inangkin ni Dela Cruz ang unang medalya ng ko­ponan nang sumegun­da sa sinalihang girls’ 50-meter breaststroke sa bilis na 33.82 segundo.

Kapos lamang siya ng gahiblang .01 segundo kay gold medal winner Ade­lia Adelia ng Indonesia na may 33.81 segundong naitala.

Nagdagdag naman ng tansong medalya si Santos na nagsumite ng da­lawang minuto at 9.30 se­gundo sa boys’ 200m backstroke event sa likod nina  medal winner  Farrel Armandio Tang ng Indonesia na may 2:04.08 at Khiew Hoe Yean ng Malaysia na nagtala naman ng tiyempong 2:08.01.

Magtatangka namang humirit ng medalya si Philippine junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh ng Brent International School-Laguna sa kanyang mga paboritong events gayundin sina Mer­vien Jules Mirandilla at John Neil Paderes.

Nagtapos naman sa ika-siyam na puwesto si Swimming Pinas tanker Jor­dan Ken Lobos sa boys’ 50m breaststroke (32.72) gayundin si Mi­guel Barreto sa boys’ 100m freestyle (55.42).

Ikasiyam din sina Ja­nelle Alisa France Lin sa girls’ 100m freestyle (1:04.14) at 400m freestyle (4:49.29), at Mary So­phia Manantan sa girls’ 50m breaststroke (36.49), habang nagtapos sa ika-10 si Eirron Seth Vibar sa boys’ 400m freestyle (4:17.79).

 

DELA CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with