^

PM Sports

Letran lusot sa OT

Francisco Cagape - Pang-masa
Letran lusot sa OT
Binigyan ng foul ni Cyrill Gonzales ng Mapua si Jaycee Marcelino ng Lyceum.
PM photo ni Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines – Nangailangan ang Letran Knights ng overtime period bago itakas ang 82-80 panalo kontra sa Perpetual Help Altas habang nagwagi rin ang Lyceum Pirates laban sa Mapua Cardinals, 79-71 sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Nag-ambag ng pitong puntos sina Ato Ular at Bonbon Batiller sa kabu­uang 12 ng Letran sa extra period upang makamit ang ikatlong sunod na pa­nalo at manatili sa solo fourth spot sa likuran ng three-peat champion San Beda Red Lions (3-0), San Sebastian Stags (2-0) at St. Benilde Blazers (2-0).

Ang tanging talo ng Letran ni rookie coach Bonnie Tan ay sa 94th sea­son runner-up Lyceum Pirates, 80-84 sa opening day noong Hulyo 7.

Ang Altas naman ni coach Frankie Lim ay na­katikim sa ikalawang sunod na talo para sa 1-2 win-loss kartada.

“A win is a win, but we still need to learn how to close out games. Well-coached ‘yung kala­ban, pero we stuck to our game plan,” sabi ni Tan.

Mayroon pa sanang sa­pat na oras ang Altas na ipursige ang ikalawang ex­tension period ngunit nag­mintis si Jielo Razon mula sa baseline na si­yang nagbigay daan upang itakas ng Knights ang panalo.

Tumipa si Batiller ng 22 puntos habang si Ular ay umani ng career-high na 19 puntos na may ka­samang 13 rebounds at isang block at 10 kay Larry Muyang. Tumulong naman ng tig-siyam na puntos bawat isa sina Jeo Ambohot at Jerrick Balanza para sa Letran.

Sa ibang laro, tumapos si Jaycee Marcelino ng 14 puntos, pitong re­bounds, dalawang assists at dalawang steals, habang si Toci Tansingco ay gu­mawa ng season-high na 14 puntos din para ma­sungkit ng Pirates ang ikalawang panalo sa tatlong laro at makabawi sa ka­nilang naunang 82-84 pagkata­lo laban sa Emilio Agui­naldo Generals no­ong Hulyo 12.

Sa juniors’ division, ti­nambakan ng Letran Squires ang Perpetual Help Altalettes, 70-52, upang ma­kuha ang unang pana­lo sa apat na laro at ini­lam­paso ng Lyceum Ju­nior Pirates ang Mapua Red Ro­bins, 101-66, para sa ikatlong sunod na panalo.

 

vuukle comment

LETRAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with