Kanter, Walker ipinakilala ng Celtics
BOSTON — Pormal nang ipinakilala ng Celtics ang mga bagong hugot na sina forward Enes Kanter at guard Kemba Walker.
Pinili ni Kanter na gamitin ang No. 11 jersey na huling isinuot ni star guard Kyrie Irving para sa Boston.
Ayon kay Kanter, ito ang numero niya nang maglaro siya para sa Oklahoma City Thunder noong 2016-17.
“I want to be the reason no one else wears it,” wika ni Kanter sa introductory news conference kasama si Walker. “I had to say it.”
Lumipat si Irving sa Celtics noong 2017 matapos niyang hilingin sa Cleveland Cavaliers na mai-trade siya.
Ibinigay ng Boston si Isaiah Thomas sa Cleveland bilang kapalit ni Irving.
Hindi naman sinisi ni Celtics general manager Danny Ainge si Irving sa kanilang nakakadismayang season.
“The last point guard, it didn’t end like we wanted this year, but it certainly wasn’t his fault,” wika ni Ainge.
Nasa isip din ni Irving na tapusin ang kanyang career sa Boston at iretiro ang kanyang numero.
Ngunit dahil sa kabiguang makasundo ang iba niyang teammates ay lumipat si Irving sa Brooklyn Nets kung saan niya makakatambal si dating Golden State Warriors star forward Kevin Durant.
Bukod kay Irving ay umalis din si center Al Horford sa Celtics at dumiretso sa Philadelphia 76ers.
“We always go through every scenario,” pahayag ni Boston head coach Brad Stevens. “But nobody was looking at what we weren’t going to be. We don’t ever look at it that way.”
Lumagda si Walker, nagmula sa Charlotte Hornets, sa isang four-year, $141 million deal — ang pinakamalaking kontratang maibibigay sa kanya ng Boston.
“It all came down to my happiness and how I want to compete night in and night out. My time was up there. I’m ready to start a new chapter,” sabi ni Walker sa kanyang paglipat sa Celtics, nasibak sa second round ng nakaraang season.
Inihayag din ng Boston ang muling pagpapapirma kina Daniel Theis at Brad Wanamaker.
- Latest