^

PM Sports

Petron at F2 Logistics humataw ng panalo

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Petron at F2 Logistics humataw ng panalo
Nailusot ni Mary Joy Baron ng F2 Logistics ang kanyang hataw kay Andrea Marzan ng Sta. Lucia.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Nasolo pa rin ng de­fen­ding champions na Pe­tron Blaze Spikers ang se­cond spot makaraang ta­­ka­san ang Cignal HD Spi­kers, 17-25, 21-25, 25-11, 25-17, 15- 10, sa 20­19 Philippine Su­perli­ga All-Filipino Con­­­fe­rence kahapon sa The Are­na sa San Juan Ci­ty.

Nakabawi ang Blaze Spikers mula sa ma­ba­­gal na simula kung saan nanakaw ng HD Spi­kers ang 2-0 ben­tahe ba­go na­­gising sila sa third set.

Kinuha ng Petron ang third set matapos iwanan ang Cignal sa 18-9 mula sa atake ni Si­si Rondina at mula ri­to ay tinuluy-tuloy na ang pag-ariba sa fourth at deciding set.

“First two sets si­yem­­pre, hindi okay pa­ra sa amin lahat. Pero ‘yung bounce back naman na ginawa ng team ay nagkaroon ng kasagutan ‘yung problema namin sa first two sets. So, thank you talaga kay Lord,” ani Petron coach Shaq delos Santos.

Bumandera para sa Blaze Spikers si Rondi­na na pumalo ng 26 points mula sa kanyang 23 attacks at 2 blocks, habang umalalay naman si Remy Palma na may 14 markers.

Nanguna pa­ra sa HD Spikers si Mylene Paat at Jovelyn Gonzaga na kapwa rumehistro ng 17 points.

Sa unang laro, napatatag ng F2 Logistics Car­go Movers ang kapit sa top seed matapos wa­lisin ang Sta. Lucia La­dy Realtors, 25-22, 25-3, 25-12.

Napanatili ng Cargo Movers ang malinis na 8-0 baraha sa pangu­nguna ni Fil-Hawaiin skipper Kalei Mau na pumalo 13 points mula sa 12 attacks at si Ara Galang na may 11 mar­kers.

“Hindi puwedeng kay Kalei (Mau) tayo a­a­sa lahat,” ani head coach Ramil de Jesus.

Dinomina ng Cargo Mo­vers sa hu­­­ling dalawang sets kung saan nalimitahan ni­­l­­a ang Lady Realtors.

vuukle comment

20­19 PHILIPPINE SU­PERLI­GA ALL-FILIPINO CON­­­FE­RENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with